Libreng 3-araw na trial · mga package mula ₱299 bawat router bawat buwan
Para sa mga fiber & WiFi operators ng Pilipinas

Habang natutulog ka, naniningil ang FiberBill.

Automatic ang invoice, ang GCash posting, ang putol, at ang balik-kabit — diretso sa MikroTik mo. Ikaw na lang ang magbibilang ng kita, hindi ng screenshots.

MikroTik RouterOS v6 & v7 GCash · Maya · Card auto-posted SMS + email dunning ladder
AlliedTech Solutions FiberBro Opisyal na Joint VentureAlliedTech Solutions × FiberBro
Ang problema

Kabisado mo ang gabing ito.

Lumalaki ang subscribers mo — pero lumalaki rin ang oras mong nauubos sa singilan, hindi sa network.

GABI-GABI

Screenshot, scroll, sagot

Puro "pa-check po ng GCash" sa Messenger. Hahanapin mo ang reference number, itutugma sa pangalan, ita-type sa Excel. Isa-isa. Sampu-sampu. Gabi-gabi.

KINSENAS & KATAPUSAN

Excel na paikot-ikot

Sino ang may balance? Sino ang due bukas? Kapag lumipat ang cell o nadoble ang row, mali ang masisingil — o mali ang mapuputulan.

ALAS-ONSE NG GABI

Manual na putol at kabit

Bubuksan mo ang Winbox para i-disable ang secret ng hindi nagbayad — tapos ie-enable ulit paglabas ng bayad. Ikaw ang cron job ng sarili mong negosyo.

Ang totoong presyo

Ang manual billing ay hindi libre. Binabayaran mo ito araw-araw.

Mga numerong nakita namin sa totoong operasyon ng isang mid-size na Pinoy ISP na mano-mano pa ang singilan:

0
bawat araw na nauubos sa pag-encode ng bayad at pag-check ng screenshots
0
ng mga subscriber ang may hindi nasusubaybayang balance sa anumang buwan
0
uncollected sa loob lang ng isang buwan — sa isang maliit na ISP pa lang iyan

Hindi kulang ang kita mo. Kulang ang sistema mo.

Ang solusyon

Isang sistema. Buong ISP mo.

Ikinabit namin ang billing, ang bayaran, at ang MikroTik mo sa iisang makina — para ang buwan mo ay tumakbo nang walang hawak na kamay.

Invoice na kusa

Buwanang statement bawat subscriber — prorated ang unang buwan, naka-angkla sa install date o sa iisang cutoff. Ikaw ang pipili.

SI-2026-07-0142 · issued · ₱799

Putol at kabit nang mag-isa

Policy engine: lampas sa grace period ang balance? Lilipat ang PPPoE profile sa cutoff. Nagbayad? Balik agad — walang Winbox, walang alarm sa gabi.

DUEDATE → S-799 · restored 4s

Bayad online, posted mag-isa

GCash, Maya, card, at over-the-counter sa branded checkout. Pag-landing ng bayad, naka-post na sa ledger at nakakabit na ulit ang linya.

PR-2026-07-0517 · +₱799 · auto

Portal na may pangalan mo

Logo mo, kulay mo, resibo mo. Makikita ng subscribers ang SOA, makakapag-upload ng proof of payment, at makakapag-ticket — sa site na sa iyo ang mukha.

portal.yourisp.ph

Paalala bago pa maputol

Dunning ladder sa SMS at branded email: 5 araw bago ang due, sa mismong due date, at pagkatapos — para ang sistema na ang nangungulit, hindi ikaw.

reminder D-5 · 214 sent

Bawat MikroTik, hawak mo

Multi-router na may pangalan ng lugar, live status, backup DDNS failover, at synced na PPPoE secrets. Idagdag ang router — kami na ang bahala sa natitira.

NAS Site-1 · CCR2116 · 73ms ✓
Sa aktwal na operasyon

Ginawa para sa tunay na takbo ng ISP.

Mula poste hanggang bayad, ang bawat hakbang na mano-mano ninyo ngayon, kusang ginagawa ng FiberBill.

Fiber technician connecting a cable on a utility pole at golden hour NAS Site-1 · secret pushed ✓
Onboarding

Bagong install, nasingil sa ilang minuto

Idagdag ang router, patakbuhin ang New Subscriber wizard, at naka-push na sa MikroTik ang PPPoE secret kasama ang plan — naka-schedule na ang unang invoice bago pa bumaba sa poste ang technician.

  • Guided wizard: detalye → plan → provisioning → job order
  • Prorated ang unang buwan, walang manu-manong kwenta
  • I-sync ang existing subscribers diretso mula sa router
Rack-mounted router with glowing network cables CCR2116 · 73ms · primary ✓
Network

Bawat MikroTik, isang live dashboard

Multi-router na may pangalan ng lugar, real-time status, at backup DDNS failover. Tingnan ang sessions, mag-kick ng user, magpalit ng profile — hindi na kailangang buksan ang Winbox sa hatinggabi.

  • Live status na hindi kailanman nagha-hang sa patay na router
  • PPPoE, Hotspot at IPoE sa iisang lugar
  • Papasok ang backup kung mawala ang primary IP
Subscriber paying on a phone at home PR-2026-07-0517 · +₱799 · auto-posted
Koleksyon

Bayad na kusang naipo-post

Magbabayad online ang subscriber ninyo, dadapo ang bayad sa ledger, ipapadala ang resibo, at kakabit ulit ang linya — bago pa ninyo mabuksan ang screenshot.

  • GCash, Maya, card at over-the-counter na checkout
  • Proof-of-payment upload para sa nagbabayad ng cash
  • Auto-reconnect sa sandaling ma-clear ang balance
Filipino family enjoying a movie night on fast internet reminder D-5 · 214 delivered
Retention

Mas kaunting putol, mas masayang subscriber

Naipapadala ang paalala bago pa maputol ang sinuman, self-serve ang statements, at sinasagot ng branded portal ang mga tanong na dating pumupuno sa inbox ninyo — kaya nananatiling konektado at nananatili sa inyo ang mga tao.

  • SMS + email dunning ladder bago ang disconnection
  • Self-serve na statements, tickets at plan upgrades
  • Portal na dala ang pangalan ninyo, hindi amin
Sa aksyon

Panoorin ang buwang tumatakbo mag-isa.

Invoices, bayaran, reconnections — ang trabahong dating gumigising sa inyo, nangyayari habang ginagawa ninyo ang kahit ano.

Paano magsimula

Tatlong hakbang, isang hapon.

HAKBANG 01

I-add ang router mo

Pangalan, lugar, IP at API user — may test connection at isang-click na sync ng profiles at secrets galing mismo sa MikroTik.

HAKBANG 02

Ilagay ang plans at subscribers

Gawin ang Plan 799, 999, 1299 — naka-mapa sa RouterOS profiles. I-import ang subscribers o hilahin sila mula sa router.

HAKBANG 03

Hayaang tumakbo ang buwan

Invoices, paalala, bayaran, putol, kabit, resibo — automatic na lahat. Ang trabaho mo na lang: palakihin ang network.

Mga operator na nauna sa iyo

"Parang may empleyado akong hindi natutulog."

Mula sa mga founding operators na tumakbo na sa FiberBill:

★★★★★
Dati 2–3 oras kada gabi ako sa GCash screenshots. Ngayon zero — auto-post na, auto-resibo pa. Yung gabi ko, naibalik sa pamilya ko.
Portrait of Melody R.
Melody R.
WISP owner · Bulacan · 740 subs
★★★★★
Yung auto-throttle sa DUEDATE profile — bumaba ang past-due namin ng halos kalahati sa unang buwan. Hindi na kami nakikiusap; ang sistema na ang nagpapaalala.
Portrait of Ariel S.
Ariel S.
Fiber operator · Iloilo · 480 subs
★★★★★
Hindi na ako kinakabahan tuwing kinsenas. Alam ko kung sino ang babayad, sino ang mapuputulan, at hindi ako ang gagawa ng putulan. Kita ko lahat sa isang dashboard.
Portrait of Marites T.
Marites T.
Cable + fiber coop · Nueva Ecija · 1,200 subs
★★★★★
Setup? Isang hapon lang. Kinabit ko ang router, nag-sync ang mga secrets, at kinagabihan may mga invoice na. Sana ginawa ko ito noon pa.
Portrait of Dennis L.
Dennis L.
Startup WISP · Cavite · 95 subs
Presyo

Mas mura kaysa sa isang gabi ng oras mo.

Basic Billing
₱299 /buwan bawat router
o ₱2,999 bawat router bawat taon
Hindi kasama ang 12% VAT, idinadagdag sa checkout.

Billing, statements at policy engine. Ang cashier mo ang magpo-post ng bayad; isang click ka lang para mag-reconnect.

  • Hanggang 1,000 clients bawat router
  • Auto-billing, invoice, SOA at resibo
  • Policy engine na awtomatikong nagsu-suspend ng overdue
  • Online payments sa subscriber portal (GCash · Maya · card · QR)
  • Auto-posted sa ledger ng subscriber ang bayad mula sa gateway
  • Awtomatikong reconnection sa sandaling ma-clear ang bayad
  • Manual reconnect: isang click pagkatapos i-post ng cashier mo ang bayad
  • Branded subscriber portal: statements, tickets, chat
  • SMS at email notices: billing, dunning, resibo
  • Unlimited plans, areas, staff at vouchers
  • Magdagdag ng router slots anumang oras, prorated
  • PPPoE, Hotspot at IPoE sa MikroTik
Simulan nang libre — 3 araw
Premium Billing 2K
₱999 /buwan bawat router
o ₱9,999 bawat router bawat taon
Hindi kasama ang 12% VAT, idinadagdag sa checkout.

Kumpletong billing suite na may online payments at auto-reconnect, para sa router na hanggang 2,000 clients.

  • Hanggang 2,000 clients bawat router
  • Auto-billing, invoice, SOA at resibo
  • Policy engine na awtomatikong nagsu-suspend ng overdue
  • Online payments sa subscriber portal (GCash · Maya · card · QR)
  • Auto-posted sa ledger ng subscriber ang bayad mula sa gateway
  • Awtomatikong reconnection sa sandaling ma-clear ang bayad
  • Reconnect now button para sa instant manual restore
  • Branded subscriber portal: statements, tickets, chat
  • SMS at email notices: billing, dunning, resibo
  • Unlimited plans, areas, staff at vouchers
  • Magdagdag ng router slots anumang oras, prorated
  • PPPoE, Hotspot at IPoE sa MikroTik
Simulan nang libre — 3 araw
Premium 3K + Device & Setup
₱1,999 /buwan bawat router
sa unang 3 buwan, pagkatapos ₱999 bawat router bawat buwan
Hindi kasama ang 12% VAT, idinadagdag sa checkout.

Kumpletong billing suite para sa router na hanggang 3,000 clients, kasama ang MikroTik router at on-site installation, galing sa amin.

  • MikroTik router na kami ang magbibigay at mag-i-install on site
  • Hanggang 3,000 clients bawat router
  • Auto-billing, invoice, SOA at resibo
  • Policy engine na awtomatikong nagsu-suspend ng overdue
  • Online payments sa subscriber portal (GCash · Maya · card · QR)
  • Auto-posted sa ledger ng subscriber ang bayad mula sa gateway
  • Awtomatikong reconnection sa sandaling ma-clear ang bayad
  • Reconnect now button para sa instant manual restore
  • Branded subscriber portal: statements, tickets, chat
  • SMS at email notices: billing, dunning, resibo
  • Unlimited plans, areas, staff at vouchers
  • Magdagdag ng router slots anumang oras, prorated
  • PPPoE, Hotspot at IPoE sa MikroTik
Simulan nang libre — 3 araw

3-araw na libreng trial, bukas ang lahat ng feature, walang credit card. Ang presyo ay bawat MikroTik router bawat buwan, hindi pa kasama ang 12% VAT na idinadagdag sa checkout; magbayad nang taunan at makatipid ng hanggang dalawang buwan. Walang setup fee, walang per-subscriber fee — maliban sa Device & Setup package kung saan kasama na ang router at installation sa unang tatlong buwan.

Mga tanong

Bago ka magpasya.

Talaga bang MikroTik ang kausap nito?

Oo — diretso sa RouterOS API (v6 at v7). Nagsi-sync ito ng PPPoE profiles at secrets, nagpapalit ng profile para sa throttle/cutoff, nagdi-disable/enable ng accounts, at nagbabantay ng live router status na may backup na DDNS kung mawala ang primary IP.

Paano ang GCash? Karamihan ng subscribers ko doon nagbabayad.

Dalawang paraan: (1) hosted checkout kung saan magbabayad sila online at awtomatikong napo-post ang bayad — kasama ang auto-reconnect; (2) manual recording na may proof-of-payment upload sa portal, para kahit cash o direktang GCash transfer, may ebidensya at isang click lang ang pag-post.

May existing na 500+ subscribers ako. Paano ako lilipat?

I-sync ang secrets mula mismo sa router mo o mag-import ng CSV. Ang plans ay imamapa sa mga RouterOS profiles na gamit mo na ngayon — hindi mo kailangang baguhin ang network para lumipat ng billing.

Magkano pagkatapos ng trial? May hidden fees ba?

Ang Basic Billing ay ₱299 bawat router bawat buwan (₱2,999 kada taon). Ang Premium Billing — nagbabayad online ang subscribers at awtomatikong nagre-reconnect ang serbisyo — ay ₱499 (₱4,999 kada taon), o ₱999 (₱9,999 kada taon) para sa router na hanggang 2,000 clients. Ang Premium 3K + Device & Setup, para sa router na hanggang 3,000 clients, ay ₱1,999 bawat router sa unang 3 buwan, pagkatapos ₱999 — kami ang magbibigay at mag-i-install ng MikroTik router. Lahat ng presyo ay hindi pa kasama ang 12% VAT na idinadagdag sa checkout. Walang setup fee, walang per-subscriber fee, at libre ang unang 3 araw. Ang SMS credits ay galing sa sarili mong account sa presyong provider; ang online payments sa FiberBill-managed channel ay may ₱20 transaction fee na pwede mong i-absorb (default) o idagdag sa bill ng subscriber mo.

Ang huling buwan na mano-mano ka.

3 araw na libre. Isang hapon ang setup. Kung hindi mo maramdamang gumaan ang buhay mo, umalis ka lang — dala mo ang data mo.

Simulan ang libreng trial